Mga Pahina

Disyembre 1, 2016

MATANG MAPAGMATYAG

 MATANG MAPAGMATYAG

  By: EDGARDO W. VILLANUEVA “CJ “


   Bato- bato sa langit, ang matamaan huwag magalit. Ito ay pawang obserbasyon lamang na naghahatid ng katuwaan. Kung ang iba ay mahilig pumuna, marami naman ang natutuwa. Propesyonal man o hindi, pantay-pantay tayong lahat sa isang MATANG MAPAGMATYAG. Iba- iba man an ating mga ugali, paniniwala,at nakasanayan ay iisa lang ang ating hangaring makapagbigay ng serbisyong tunay at tapat sa kompanyang ating pinagtatrabahuan. Hangarin nating makapagbigay ng epektibong serbisyo sa apat na sulok ng kompanyang ito. Kaya ikaw? Alin ka ba dito?


   1. The Mastermind. Sila yung “super focus” sa trabaho. Yung tipong halos hindi mo pwedeng istorbohin dahil “super- valuable” sa kanila bawat patak ng minuto. Sila yung “commendable” pagdating sa kanilang over-all performance. Laging nagpapakita ng angking galing sa larangan ng trabaho. Kaya saludo tayo sa kanila.Palakpakan naman natin sila dahil never silang napapagod sa husay nila sa pagtatrabaho. Ika nga, ”be a master on your own craft”.
    
   2. The Beauty Queen and King. Aba! Hindi lang sila gwapo at maganda, matalino pa. Sila yung tipo ng empleyadong “beauty and brain” daw kung turingan. Matipuno, seksi, mahinhin, palangiti, makinis---------aba’y nakakatunaw din naman tingnan lalo na kung iisang dibisyon lang ang inyong pagitan. Hindi lang sila puro pagpapaganda at pagpapaguwapo, tunay na may angking galing pagdating sa trabaho at talento.
  
   3. The Left- over. Wake up! Wake Up! Bangon na at baka ikaw ay mahuli sa bus na paparada. Hay naku! Gising –gising din ng maaga pag may time para di ikaw yung tipong takbo ng takbo para makahabol sa maagang biyahe ng sasakyan. Sila yung mga laging napag- iiwanan ng sasakyan kaya ang ending ay nagtatricycle na lamang.Hindi hadlang ang malayong distansya ng inuuwian kung magiging disiplinado din tayo sa oras. Kaya laban lang!Pero ooops! Nahuhuli man sila sa sasakyan ay hindi naman sila pahuhuli sa bilis at pagiging aktibo nila sa trabaho.Walang panama sa kanila ang mga deadline dahil lagi nila itong napapasa on time.
  
  4. The Runner. Ready, get set and go!Takbuhan na! Di maipagkakaila na sila yung tipo ng mga empleyadong panay takbo para lamang makapag time- in sa tamang oras.Buti na lang hindi tumatakbo si biometrics, Ipagdasal mong hindi ka lalampas sa “grace period” na sampung minuto. Paanu na lang kung 8:09 na ay nasa gate 1 kapa…………..ang saklap nun!hehe. Sa bagay, ok lang naman ang agarang paliwanagan kapag na serve na ang NOTICE TO EXPLAIN form.
  
   5. The Soaring Eagle. Fly High! Ang mga empleyadong ito ay talagang mataas ang pangarap sa buhay. Laging nagpapakita ng galing at konsentrasyon sa trabaho upang makamit ang ginintuang “promotion”sa kompanya. Nasa unang level pa lang ng kanilang responsibilidad ay talaga namang humahatak na  ng nakakabilib na abilidad. Kaya nararapat lamang bigyan ng palakpak ang mga ito. Kudos!

 6. The Small but Terrible. Oops! Oops! Oops! Sila yung mga empleyadong tinaguriang “ few inches taller” lamang daw. Pero huwag ismolin dahil napakalaki ng pinapakitang abilidad nito sa trabaho. Sila yung super energetic kumbaga…..walang reklamo sa akyat baba at paglalakad ng distansyang kay haba. Maliit man sa paninigin ay nakakapuwing din.

7. The   MVP. Aba’y laging may pinapamalas na galing ang mga empleyadong ito pagdating sa mga palaro……….mapa basketbol man, volleyball o di kaya’y badminton ay todo hataw ang galaw. Sila yung mga tipong Most Valuable Player ng kompanya. Nakakaproud din diba?Palakpak naman diyan.

8. The Biyahilo. Turuan mong huwag mahilo ang mga ito sa tuwing sasakay ng bus. Talagang namang pagsakay palang ay suki na sila ng mga upuang  nasa front seat .Kung di naman makatiis ay ilabas na ang mga pamahid tulad ng vicks o di kaya’y ang mahiwagang ”white flower”.(hehehe).Pero kahit ganyan sila, bawing bawi naman sa performance pagdating sa trabaho dahil tiyak ikaw ay mahihilo sa bilis at galing nila. 

9. The GGSS. Ang gwapong- gwapo at gandang ganda sa sarili. Ooooops! Hindi lang self-confident, dahil ang pagkagwapo at pagiging maganda nila ay natural na totoo. Ang kanilang kagwapuhan at kagandahan ay talaga namang God- given gift na maituturing. Pagdating naman sa work performance ay naibibigay din nila ng may kagandahang resulta.
  
10. The OOTD. The “OUTFIT OF THE DAY”, sila yung mga empleyadong best in uniform from Monday to Friday at talaga namang bumabawi sa outfit pagdating ng Sabado. Irampa na ang mga bagong jeans at polo kasabay ng mamahaling pabango.Talaga namang lumalabas ang angking kagwapuhan at kagandahan kapag naibandera na nilang isuot ang kani- kanilang mga magagarang kasuotan.

Kanya- kanya man ang ating mga kaugalian, iisa naman ang layunin nating maging epektibong empleyado ng kompanya sa isip,sa puso at sa gawa.
                                                                       


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento