Mga Pahina

Disyembre 1, 2016

“Siya’y Tunay” By:JV



“Siya’y Tunay”



By:JV

I
Nang ako’y mamulat sa mundong ibabaw
Ikaw at ikaw ang una kong natanglaw
Dahil saiyo ang buhay ko’y nagkailaw
At binigyang kulay ang aking mga araw
II
Nang ako’y kumawala sa iyong landas
Tela bagang, buhay ko’y naging si Judas
At mula noo’y napunta sa kawalan
Na para bang nabalot sa kadiliman
III
Aking natanto at naunawaang lubos
Ka’y hirap kumawala sa ganitong unos
Kaya tanging dalangin, ako’y mairaos
O di kaya’y kaawaan mo pong lubos
IV
Mula sa pagkalugmok aking natalos
Na ako pala’y minahal niyang taos
Kanyang pinawi ang aking lumbay
At binigyang kulay ang aking buhay
V
Siya’y ibang-iba at walang kawangis
Ang pag-ibig niya’y wala pang kapares
At ako’y pinagpala na walang sawa
Siya’y si Bathala na hari nang Awa

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento