Sa ulap ng kabiguan may kakaiba
Pilitin mang mabago 'di pa rin sisigla,
Tunay na ligaya'y 'di mo madarama
Tuwang minimithi'y 'di nakikita.
Kapaligira'y minsa'y nagiging tahimik
Aliwin mo ma'y 'di na muling iimik,
Iduduyan ng kanta nang muling magiliw
Iguguhit ng tapang nang tuluyang mabaliw.
Tadhana'y sadyang maramot sa bawat pagsulyap
Lalong nagiging malupit kapag hinahanap,
Sabik sa pag-asang 'di naman mahagilap
Kung kaya't damdamin ay laging naghihirap.
Kulay na itim ang sayo'y bumabalot
Dagling iiyak dulot ng pighati't lungkot,
Saysay ay nawawala kapalit ay takot
Kabiguan ang sa'yo haid ay laging poot.
Saya ng buhay kaytagal nang hinihintay
'Di makamtan 'pagkat nasa ibang kamay,
Dapat maawa sa pusong walang malay
Pag-ibig na tunay, dugo't pawis ang inalay.
Lingapin mo naman sinisintang alapaap
Dinggin ang pagsamo't ibigay ang yakap,
Kalungkutan sa mundo'y limutin at iwaglit
Bigyang pagkakataon ang bagong papalit.
Buhayin mo't pagtibayin ang liwanag ng araw
Punan ng samu't saring kulay nang ika'y isasayaw,
Totoong pag-ibig ang lagi mong matatanaw
Sa pagmamahal ay 'di na muling mauuhaw.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento