Kahapon lamang, hawak-hawak ko ang isang tunay na pag-ibig na kay saya't makulay. Kinukumutan ng 'yong wagas na pagmamahal ang aking bawat pag-aalay. Larawan ng katatagan at katapatan sa bawat kumpas ng 'yong pagsuyo't paglalambing. Singlinaw ng malinis na tubig ang bawat mga salitang sinasambit ng 'yong mga bibig. Mga salitang nag-aalab kasabay ng mga awiting hinahatid ang malamyos mong tinig. Mga salitang akala ko'y totoong wala nang bahid ng pag-aalinlangan.
At kagabi lang din, yakap-yakap ko ang isang panaginip na kayganda't maaliwalas. Binabalot ng 'yong matatamis na halik ang aking bawat paghimbing. Hinahaplos ng iyong alaala ang bawat malulungkot na sandali ng aking buhay sa bawat pagdalaw ng aglamig. Singganda mo ang bawat umagang gumigising sa aking pagtulog. At bawat ara na dumarating ay nagsisilbing isang pag-asa. Pag-asang muli kitang mayakap at mahagkan. Pag-asang ang pangarap ko sana'y matupad kasama ka.
Subalit, bakit hanggang ngayo'y nag-iisa parin ako sa gitna ng napakadilim na kawalan? Bakit patuloy parin akong umaasang babalik ka pa? Paano na ang mga makukulay na sandaling ating pinagsaluhan? Kanino ko ngayon iaalay ang natamo kong tagumpay at ang wagas kong pag-ibig na tanging para sa'yo lamang? Paano na ang mga iniwan mong mga pangakong kailanma'y hindi natupad? Hanggang saan at hanggang kailan ako maghihintay? Ang lahat ng mga tanong na bakit, paano at kailan ay 'di ko na kayang sagutin pa 'pagkat araw-araw sa aking buhay ay kulang kapag 'di kita nakikita, nakakausap at nakakasama.
Gayunpaman, hayaan mo akong umasa. Kung ang umasa lamang ang tanging paraan upang ako'y maging masaya. Lagi akong maghihintay sa'yo. Kung ang paghihintay na ito lamang ang siyang maghahatid ng liwanag sa isipan mo upang mapatunayan kong tunay nga kitang minamahal. Lagi akong magbabaka-sakali sa muling pagdating mo. Kung ang pagbabaka-sakali na ito lamang ang magbibigay ng dahilan upang muling sumigla ang damdamin ko. Sigla na aking nadarama sa t'wing mga ngiti mo'y aking naaalala.
Ngayon, pintig ng puso ko'y nagsasabing talagang kailangan kita sa buhay ko at gagawin ko ang lahat ng bagay alang-alang sa kaligayahan mo. At sa muling pagbihis ng mga makukulay na bagong umaga, naririto ako naghihintay sa pagbabalik mo. Nangangakong pakaiingatan ka sa aking puso at alaala hanggang wakas. Pangakong mamahalin ka maging sa kabilang buhay.
Pusong naghihintay nang walang humpay.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento