Dama ko ang dusa at hinanakit
Sa buhay na di ko nais
Ako'y buhay ngunit sa loob ay nahihimlay
Puso na sya'ng nais paring pumintig
Ako'y tahimik ngunit sa loob ay sumisigaw
Ngiti na tinataglay puno ng poot at lumbay
Pag-asang di matanglaw sapagkat ito'y malayo
Hanggang kailan, hanggan saan ako maghihintay
Ang labis na sugat na di maibsan
Ang siyang tumulak sa hangganan
Ninanais lumayo pero ito'y lumalapit
Ano ka? Sino ka?
Tumatakbo sa pagitan ng bangin
Tumutulay sa ihip ng hangin
Nais kong sumigaw ngunit ako'y di naririnig
Paano at saan ako magsisinula o magwawakas
Mata'y ibinuklat, gumising sa di inaasahan
Puso'y tumitibok sa saliw ng musika
Panaginip ang pinagmula
Sa marahas na nakaraan

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento