Mga Pahina

Disyembre 1, 2016

Palipad sa Hangin (by:Bebang)

Palipad sa Hangin (by:Bebang)

Naguguluhan sa bawat araw na lumilipas
Ngayo’y di ko na magawang umiwas
Sadyang dumating, panahong hindi ko inaasahan
Subalit nangangambang baka iyong malaman.

Di malaman kung paano, bakit, at kelan nagsimula
Ngayon, sa isip, ay di ka na mawala-wala
Pilit pinipigilan pagkat naguguluhan
Ngunit umaasang baka iyo ring magustuhan.

Palapit ng palapit sabay nakaw tingin
Tinatagong pagtingin na di ko maamin
Wari nitong nakakulong kong damdamin,
Tanging palipad na lamang sa hangin.

Mata kong tinatanaw, palagi ay ikaw
Nang magkasalubong nga’y, puso koy natunaw
Ramdam kong ikaw rin ay may nais sabihin
Posible bang ito’y katulad din ng sa akin?

Mga mata natin’y may tinatagong kislap
Lalo na’t sa tuwing tayo’y magka-usap
Hindi malinaw kung ano’t-ano nga
Maari nga bang ikaw rin’y may paghanga?

Sa bawat pagpigil, lalong nanggigigil
Kahit umiiwas, hindi kumukupas
Batid koy magka-iba ang sinasabi ng bibig,
Sa ibig ipahiwatid ng iyong mga titig.

Naguguluhan man ay patuloy na umaasa
Pilit nililimot ngunit ginugunita ka
Kung sa isa’t isa’y may paghanga,
Hahayaan na la bang magdesisyon ang tadhana?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento