Mga Pahina

Disyembre 1, 2016

Tinatagong Damdamin (by: Bobong)

Tinatagong Damdamin (by: Bobong)


Hindi ko maamin ngunit ako’y may pagtingin
Sa isang dalagang kay hirap abutin
Nakaw tingin pag sya’y tinatanaw
Kahit sa dakong hindi malinaw.

Pagtingin ko na lalong lumalalim
Maari nga bang sagipin yaring damdamin?
Pilitin ko mang pigilan ang nararamdaman
Ngunit tuluyan nang nahulog nang di inaasahan.

Alam kong kapwa isip natin kay lito
Batid mo rin nga ito siguro
Pagkat nang magtama ang ating mga mata
Bigla’y may kakaiba akong nadama.

Bakit di natin magawang linawin
Ano baga itong pumipigil sa atin?
Ikaw ba mahal ko ay takot sumugal?
O ako itong diskarte ay mabagal?

Hindi ko mawari kung anong gagawin
Ngunit pangalan mo’ng sinisigaw ng nag-aalab kong damdamin
Nais kang makasama sa bawat araw sinta
Subalit nangangambang baka ika’y umiwas na.

Minsan sa sarili’y naitanong ko bigla,
Tadhana, sya ba ang sa aki’y iyong nakatakda?
Ito nga ba’y totoo, o isang panibagong biro?
Pagkat ngayon ako’y seryoso at ayaw nang makipaglaro.

Babalewalain na lang ba hanggang sa mawala?
O kailangan nang maniwala para hindi na puro hula?
Kinakilangang mag-usap subalit paano magsisimula?
Tadhana, kung totoo man, ako’y tulungan mo na.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento