Mga Pahina

Disyembre 1, 2016

“MINIMITHING PANGARAP…”



“MINIMITHING PANGARAP…”



By:         “Cyberchum Joeb”


Pangarap, kung minsa’y kayhirap mang abutin
Gayong abot-kamay kana’y ‘di parin mararating,
Tulad ng dagat, kakanyaha’y kayhirap arukin
Umaalong lalo sa bawat pagsamo’t paglalambing…

Minsa’y nakikita ka ngunit kailanma’y ‘di matagpuan
Umiilap sa bawat pagnanasang ikaw ay makamtan,
Tulad ng langit na sa panaginip lang nahahagkan
Ikaw nga ba’y nilikha para sambahin lang?…

Ah! Kung ikaw man ay nilikha tulad ng mga bituin
Aaninagin kitang lagi sa bawat unos na darating,
Gigisingin ko ang gabi sa sandali ng pagkahimbing
‘Pagkat kahit sa panaginip, ayokong ikaw ay malibing…

Oo, hahanapin kita tag-araw man o tag-ulan
Iguguhit ng diwa maging sa liwanag man o karimlan,
Ipaglalaban kahit sa pagitan ng buhay at kamatayan
Dahil itong buhay, ‘pag wala ka – wala naring kabuluhan…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento